I’d Still Say Yes
It’s Your Love
Ironic Love by Darla
Love at First Sight by michelle
Be Your Everything by sharmyn
Seduction Campaign by darla
Meeting the Virgin Bachelor by darla
Love in a Duplex by darla
Reversed Pursuit by darla
Find Me (Book 1 of TRIO) by Amor Filia (Yesha Lee)
Because Heart Never Forgets 2 Free Ebook
Kung Sakaling Ikaw Pa Rin (Tagalog Romance Novel)
Love Signs
“Bata pa lang tayo, lagi na tayong magkasama.
Laging magkalaro, magkaklase, magkaibigan.
At sa bawat pagkakataong iyon, unti-unti ring
nahulog ang loob ko sa iyo…”
Ang LOVE SIGNS ay isa sa maraming role-play writing na isinagawa namin noong binubuo naming muli ang TOP (dahil nasira ang aming server at database sa sobrang dami ng mga visitors at wala pang gils implementation noon).
Maraming lugar sa TOP ang isang taong mahilig sa sining, maging ikaw ay manunulat, pintor o kung anuman ang turing mo sa iyong sarili– welcome ka dito.
Minsan kasi, may mga bagay kami na nais sabihin ngunit hindi namin alam kung papaano namin ito sisimulan. Sana, sa kwentong ito ay inyo ninyong maapuhap ang aming nais iparating.
Muli, mabuhay ka. Mabuhay ang sariling atin.
– Mga may akda
Cover photo by kedralynn.deviantart.com/
>> DOWNLOAD “LOVE SIGNS” EBOOK NOW! (Genre: Tagalog; Format: PDF; Status: FREE)
Symfony Series
ANG SERIES na ito ay naglalaman ng mga “unfinished” chapters na pumapasok sa bawat utak ng isang
manunulat. Ang layon ng series na ito ay mabigyan ng pagkakataon ang mismong istorya na
ipagpatuloy ng ibang manunulat. Hindi man matapos ang series na ito, at least, mailalabas namin ang
mga ideas na biglang pumapasok sa aming imahinasyon.
Sa ngayon, its either we continue the story or fully stop its production. But in the end, if we will receive
comments on how we should continue the story, it would be much better in our part. At least, you’ve
been warned. Read at your own risk. You may also submit your own piece as well if you like.
-
- When the storm goes away by foobarph
- A Kiss of Lies by Louise
- Sa Kaniya by foobarph
- Bakasyon (A Halloween Special) by Yesha
- My Immortal by foobarph
- Forever by Yesha
- Snow and Me by foobarph
- Frozen Shrine by foobarph
- Sa Paskong Ito by foobarph
- Kwaderno by foobarph
Cover photo by emilysoto.deviantart.com/
>> DOWNLOAD “SYMFONY SERIES” EBOOK NOW! (Genre: Tagalog; Format: PDF; Status: FREE)
Kung Iibigin Kang Muli
SI MUNDO ay isang topnotch detective at lahat ng hawak niyang kaso ay natatapos niya ng walang palya at aberya. Ngunit may isang kaso na biglang dumating sa kaniya na kailangan niyang lutasin. Isang kaso na kung hindi niya malulutas ay maaaring sumingil sa kaniyang buhay at pangarap. Ang kaso— Umibig siya sa babae na hindi niya kailanman pinangarap at ginustong mahalin…
Prologo
ISANG malakas na sampal ang natanggap niya mula kay Yehni. Umiiyak ito habang nakahawak ang isang kamay nito sa kaniyang polo shirt. Magsasalita pa sana siya ulit ngunit sinampal na naman siya nito.
“Mundo! Liar ka!” sigaw ni Yehni sa kaniya pagkatapos siya nitong muling sampalin. Pinagsusuntok pa nito ang kaniyang dibdib. Gustuhin man niyang pigilan ito ngunit wala siyang magawa. Kahit ang tumitig sa mga mata ng kasintahan ay hindi rin niya masubukan.
“Look Yehni, I—“
Isang malakas na sampal na naman ang inabot niya kay Yehni. “You promised me! That you will never ever leave me!”
“Yes but I—“
Sinampal siyang muli ni Yehni ngunit sa pagkakataong ito ay ramdam na niya ang paghina ng sampal nito. Tila napagod na ito sa ginawa nitong pagsampal at pagsuntok sa kaniya simula ng magkita sila sa loob ng Thurston Restaurant. Ipina-reserba niya ang buong lugar para sa pag-uusap nilang iyon ngunit hindi niya lubos akalain na magiging emosyonal ang pagharap nito sa kaniya.
“If you’re going to leave, sasama ako sayo! Kahit saan! Huwag mo lang akong iwan, please!” pakiusap nito bago siya nito niyakap ng buong higpit. Tuluyan ng umagos ang mga luha na pilit nitong pinipigilan kanina pa. Marahil, nasasaktan na ito ng sobra sa kaniyang pamamaalam.
Niyakap niyang pabalik ang kasintahan. “Yehni, I need to go.”
“No! You can’t go! Nangako ka!”
Hinalikan niya sa noo si Yehni. Kasabay nito ay hinagkan niya ng madiin sa labi ang kasintahan. Isang halik na tila huli na sa lahat ng maaaring mahuli sa buhay na niya. Ayaw itigil ni Yehni ang halik na iyon ngunit sapilitan niya iyong pinutol dahil pakiramdam niya ay hindi siya ang karapat-dapat na lalake para dito. “Hindi ko ugaling mangako pagdating sa pag-ibig, Yehni. Hanggang dito na lang tayo, paalam…”
Kusang nawalan ng lakas ang mga binti ni Yehni pagkatapos marinig ang mga sinabi niya. Kusa itong nabuwal at napaupo na parang lantang gulay sa sahig. Kasabay nito ay humagulgol ito ng malakas habang sinusuntok ang sahig na nasa harapan nito.
Mabilis niyang nilisan ang restaurant upang iwan ang kasintahan. Hinabol pa siya ni Resty na siyang may-ari ng naturang restaurant na ipina-reserba niya ngunit hindi rin siya napigilan nito sa pag-alis. Kahit magkaibigan sila ay wala itong karapatang diktahan ang kaniyang nararamdaman at mga plano pagdating sa pag-ibig. Iiwan niya si Yehni upang mawalan na ito ng dahilan upang mahalin siya. Ito na lang siguro ang tanging paraan upang makapagsimula silang muli.
Ni hindi niya nagawang lumingon upang sulyapan sa huling pagkakataon si Yehni— ang babaeng nagbigay sa kaniya ng kaso na hindi niya kayang lutasin. Kaso na siya mismo ang kusang sumuko alang-alang sa babaeng kaniyang minahal.

>> DOWNLOAD “KUNG IIBIGIN KANG MULI” EBOOK NOW! (Genre: Tagalog; Format: PDF; Status: FREE)